Ala una na madaling araw ay ng bubulabog pa si Mang Adel sa mga guwardyang naka duty noong sa SSM o Super-super Market. Bibili siya ng alak walang magagawa ang mga guwardya kung hindi ang pagbilhan siya dahil ang SSM ay “24 hours open”. Ang SSM ang pinaka murang super market noon na maaring bilhan sa buong bansa.
Dahil nga sa pagbabago sa pisikal na anyo ng ating mundo, naging isang malaking-malaking tipak ng lupa ang dati ay pitong kontinente ng mundo.
Taong 2086 ng iniwan si Mang Adel ng kanyang pamilya ito ay dahil sa inembento niyang robot. Ang robot na ginawa niya ay si “Star”. Noong una nais ni Mang Adel ang gumawa ng imbensyong titingalsin sa buong mundo kaya Star ang ipinangalan niya dito. Nilagyan niya ang memorya nito ng gaya nang sa utak ng tao ngunit may higit na mas mataas na kaalaman. Ang katawan nito ay yari sa pinakamatibay na bakal.
Hindi nakuntento si Star bilang isang imbensyon lamang kayat ginamit niya ang kanyang isip at lakas sa dahas. Sinakop niya ang buong mundo at naging pinuno. Pinagagawa niya ang lahat ng mga propesyonal ng mga robot na gaya niya.
Ang mga utak nila ay gaya rin ng kay Star kaya hindi malabong hangarin din nilang maging mas superyor sa lahat ng iba pang mga robot na gaya nila.
Ganoon na nga ang nangyari, hindi nila kinilala si Star bilang kanilang pinuno. Dahil dito, naglaban-laban silang lahat. At dahil nga pare-pareho sila ng pag-iisip at lakas, walang nanalo na kahit isa sa kanila, maging si Star. Lahat sila ay nagkapira-piraso.
Bumalik na sa dati ang buong mundo. Ganoon din ang pamumuhay ng mga tao.May naging mabuti naming epekto ang masalimuot na pangyayaring ito, nagkaisa ang lahat ng tao sa mundo. Napatawad na rin nilang lahat si Mang Adel. Ngunit malunkot pa rin siya, hindi pa rin niya maibabalik sa kanya ang kanyang pamilya.
Ngunit laking gulat niya ng balikan siya nito at sabihing pinatatawad na nila ito. Ipinangako niya na hinding-hindi na ito mauulit pang muli. Mas mahalaga ang kanyang pamilya sa anumang bagay sa mundo.
Sinong mag-aakala na ang isang malaking pagkakamali ang magdadala sa pagkakaisa ng mga tao sa buong mundo.
No comments:
Post a Comment